ASWANG ANG LAHI KO
Aswang ang lahi ko. By Arem Cuevo
Sa umaga
kami natutulog at takot kami lumabas kapag umaga,dahil ang aming mga mata ay
nasisilaw ng liwanag.Sinumpa daw ang aming pamilya kaya kami ay naging salot sa
aming lugar at aswang kami kung tawagin.
Palipat
lipat kami ng tirahan pagkat simula ng ako ay umidad ng limangtao n hanggang sa
ako ay labing siyam na taong gulang na pinoprotektahan pa rin kami ng aking ama
at ina.
Ang nanay
at tatay madalas silang pilit tinutugis ng mga taong gusto kaming
patayin.ngunit sa awa ng diyos kami ay nakakaligtas.
Awa at
takot ang aking nararamdaman sat wing kami ay nasa panganib, wala kaming
kalaban laban sa dami nila.
Gumagawa
ang itay ng pana na syang nagiging sandata nya kapag mayroong balak kaming
tugisin.
Hanggang
isang araw habang kumakain kami at masayang masaya bigla na lamang kaming
sinugod ng mga taong pilit kaming gustong alisin sa mundo,at sila ay
nagtagumpay pagkat ang aking nakakabatang kapatid na babae ay kanilang nakuha
at ito ay itinali at sunonog ng buhay.
Durog na
durog ang puso ko habang pinagmamasdan kong humingi ng tulong ang aking
kapatid.
Wala kaming
magawa ng aking ama at ina pagkat kung lalabas kami pati kami ay mapapahamak.
Matapos
nilang maisagawa ang pag sunog sa aking kapatid ang mga tao ay nag si alis na.
Umiyak at
nanangis ang aking ama at ina.
Sinabi ng
ina na wala kaming ginagawang masama at bakit kami pinaparusahan ng ganito.
Nilapitan
ko ang aking ina at tinanong.Nay totoo bang aswang tayo?
Sila ang
aswang anak, pagkat sila ang pumapatay.Sana nga ay naging aswang na lang
ako,baka napagtanggol ko pa ang iyong kapatid.Sila yung mga tao na mapanghusga
sa kapwa,iba lang ang ating mga mata ngunit hindi tayo masama.Nilikha din tayo
ng dyos.
Tumakbo ako
papalayo sa aking ina at ama habang lumuluha,tinungo ko ang maraming kabahayan
at sumigaw.
Mag silabas
kayong lahat,harapin nyo ako,Kayo na mga walang awa na pumatay sa kapatid ko.
Nag labasan
ang mga tao at may hawak ito ng itak at sibat.
Sige
patayin nyo na ako,gaya ng pagpatay nyo sa kapatid ko.
Bakit kayo
ganyan,kahit kelan hindi namin kayo ginambala,wala kaming ginawang masama sa
inyo.
Kayo ang
mga aswang kayo ang mamatay tayo. Iba lang ang mata naming pero hindi kami
aswang.
Dumating
ang aking Ama at ina at dali akong pinuntahan at niyakap.
Kung aswang
kami sana naipagtanggol nanamin ang aming sarili sat wing tinutugis nyo
kami.Kung aswang kami sana nuon pa lang pinatay nanamin kyo lahat. Pero ni isa
sa inyo walang magpapatunay na may pinatay kami.
Ibinaba ng
mga tao ang kanilang sandata at humingi ng patawad sa mag iina.
YOUTUBE LINK: https://www.youtube.com/watch?v=MbfmEJNwdj8
Comments
Post a Comment